Wednesday, August 10, 2011

Ang garden, bow (That, and Miss Universe interview tips)

Tuwing na bri-bring up sa mga kwentuhan ang tungkol sa mga beauty pageant sa noontime shows, di ko talaga pinapalampas na ikwento yung napanood ko sa Eat Bulaga, kasi di ko talaga sya kinaya. (At di sya urban legend kasi nga, napanood ko talaga.)
Ang tanong: "Kung may magic carpet ka, saan ka pupunta?"
Ang contestant: "Pupunta po ako sa napakagandang lugarsa garden."

Kulang na lang ay iuntog ni Vic Sotto ang kanyang ulo sa pader. Actually, pati na rin ako. 

Anyway, ito ang dahilan kung bakit ko nai-kwento yan. 

All this time ay confident ako sa chances ni Shamcey Supsup sa Miss Universe. Hello, fan kaya ako. Kaya naman, napabaon ang mukha ko sa aking palad (facepalm?! lol) ng mapanood ko 'to:




Ang tanong (4:26 mark): How would you convince Mr. Trump to visit the Philippines, and if you were to host his visit, where would you take him?

In fairness, di naman nya talaga sinagot na garden per se, pero the fact na nabanggit pa nya yun ay ikinakamot ko talaga ng ulo. (By the way, nasa'n ba sa Pilipinas 'tong garden na ito na para bang napakaganda at kailangan mapuntahan? I hope 'di na kailangan ng magic carpet :-P)

Alam ko ang kanyang sakit dahil sakit ko rin ito minsan: ito ay ang paligoy-ligoy na sagot sa, kung iisipin mo naman talaga, ay simpleng tanong. 
I'll prove that the Philippinesin fact, Mindanaois not a dangerous place to visit. I'll bring him to Gen San, a peaceful and prosperous city, which is also my hometown. Gen San is famous for its tuna; who knows, Mr. Trump might want to import them for his businesses (chos!).

Sa Miss Universe final Q&A, meron ka lamang 20 seconds para sumagot. (At dito nakakadaya ang mga contestants na may translator pero marunong naman mag-English. Nakakapag-isip na nga, pwede pa sila sumagot in installments, and which means even more time to compose an answer in their heads.) Kaya naman di pa todo ang pamemewang mo sa harapan ng judges at audience ay pinapabalik ka na ng host sa likod with the other girls. Kaya bilib din ako sa mga contestants na kung makasagot ay parang armalite ang bibig: mabilis na nga, loaded pa ang sagot. Dyan magaling ang India.

That is, kung makarating ka sa final Q&A. Para maging finalist, kailangan mo humarap sa panel of judges, na buong araw nag-iinterview ng mga candidates na hindi bababa sa 70. Biro mo, gano'n kayo kadami kaya naman malamang ay paulit-ulit na nila naririnig ang "world peace," "I love kids," "I believe in education," "we have wonderful beaches," "my people are warm and hospitable," na okay, fine, totoo naman, pero gasgas na gasgas na talaga sa kanilang mga tenga. Iwasan ang motherhood statements at mas mabuting mag-cite na lang ng sariling mong experiences. (Cue in Miss USA 2007 Rachel Smith na talagang ni-namedrop si Oprah sa kanyang Q&A kasi nag-volunteer sya para dito.) Of course, debatable din itoayaw mo rin naman magtunog mayabang. (Wala sa top three si Rachel, lol.)

Bukod sa unique na answer, kailangan rin ay may personality kayun bang tipong excited at tuwang-tuwa ka sa ganappara naman maging memorable ka, kung let's say, talagang "word peace," "kids," "education" at "I have no regrets" na talaga ang maisasagot mo. (Cue in Venus Raj, lol.) Syempre kailangan, kahit nagpapa-cute ay mai-defend mo pa din ang sagot mo, kahit na ba cliché ito. (Wala rin sa top three si Venus, hehe.)

Ayan lang naman mga tips ko sa 'yo Shamcey (lol) at para na rin sa inyo na sasali sa Miss Universe. However, these do not apply sa baranggay-level competitions at lalo na sa mga gay beauty pageants, kasi dun, ga-SONA dapat ang haba ng sagot mo, lol.


0 * :

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...