Thursday, April 29, 2010

Touch them not

Ayoko sanang mag-tunog paulit-ulit, pero kasi, nakaka-ilang pahina na ako sa Noli Me Tangere (nandoon na ko sa bahagi ni Sisa) at talaga namang nakaka-galit ang Simbahang Katoliko. Alam naman natin na hango sa kasaysayan ang isinulat ni Rizal at isinasalamin nito ang ginawang pang-aalipusta ng mga prayle sa ating bansa, kaya naman kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko kung gaano pa rin makapangyarihan ang simbahan sa panahon ngayon. (Ibabahagi ko ang mga ilan dito sa mga susunod kong sanaysay.)

Aaminin ko, halos di ko binasa ang libro noong nasa high school ako. Di ko maalala kung paano ako nakapasa sa klase -- maaring binasa ko na lamang ang komiks o pinanood ang teleserye na hango dito -- pero malaki ang hinala ko na "censored" (pasensya, di ko alam ang Tagalog) ang nobela ni Rizal na ipinamahagi sa amin sa pribadong eskwelahan. Paano naman, talagang ipinamukha ng ating bayani kung gaano ka-gago ang mga itinuturo ng simbahan, at lalo na ang mga pari. Habang binabasa ko ang mga ito, naisip ko, "Pucha, 300-taong tayong ginago ng mga 'to, pero di pa din tayo nadadala? Bigay pa rin tayo ng bigay ng pera sa mga pari at sunod-sunuran pa rin tayo sa mga di makataong pagtuturo nila?"

Laking panghihinayang ko din na pinatay si Rizal ng ganung-ganoon na lang. Maaring ang kanyang kamatayan ang nag-nitsa ng pakikibaka ng mga Pilipino laban sa Espanya, pero para sakin, isa pa ring walang kakwenta-kwentang kamatayan iyon. Ilan lamang ang tao -- kahit sa panahon ngayon na may Internet at makabagong teknolohiya -- ang nakakamit o makakakamit ng tagumpay gaya ng kay Rizal; sayang ang galing at talino nya. (Walang sinabi yung isang tumatakbong presidente diyan.)

Ang punto ko eh, parang wala yatang hustisya sa pagkamatay nya. At parang di rin naman humingi ng paumanhin ang Simbahang Katoliko sa mga kasalanan nito sa Pilipinas at sa ating mga bayani at ninuno.

Sa aking pagsisiyasat, ito ang nakita ko. Mensahe ng Simbahang Katoliko noong ika-100 anibersaryo ng ating kalayaan:

For this year, our country celebrates the Centenary of our political independence.  For all of us, this has profound significance in the past, at present and for the future.

Proclaimed a hundred years ago at Kawit, Cavite, the Declaration of Philippine Independence signaled the development of Filipino consciousness and marked the culmination of years of struggle for Filipino nationhood.  In that struggle, thousands of Filipino heroines and heroes, such as Fathers Gomez, Burgos and Zamora (GOMBURZA), the Fathers of Nationalism, participated to gain freedom from colonial domination.

At present, the Centennial celebration is a great occasion for us to thank our sisters and brothers who dedicated their lives, even to the point of dying, to preserve the heritage of freedom.  It also stands as a reminder to examine ourselves how far we have been worthy of that heritage, and how far we have contributed in sustaining it.  For our part as an institution, we apologize for the ambiguous stand some Church people held during the revolution, which partly explains the rise of the religious revolution.  It is with pride to recall the EDSA defined what struggle for freedom means to a nation "colonized" by its own leaders.

Ngayon, di ko alam kung ito ang unang pagkakataon na humingi ng paumanhin ang Simbahang Katoliko, pero kung oo man, aba eh, inabot pa ng 100-taon pagkatapos iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. At ang pinakamahalaga sa lahat, naramdaman nyo ba yung kanilang pagsisisi? Aba, parang niraos lang na mabanggit ang mapait na bahagi ng ating kasaysayan na iyon at dalos-dalos na binuhat nito ang kanilang sariling bangko sa pagbanggit nito sa papel nila sa People Power EDSA. Di rin nila pinansin -- o sa madaling salita, dinedma nila -- si Jose Rizal o kaya si Andres Bonifacio at bagkus, ipinagmalaki sina GOMBURZA, na bukod sa pagiging sekyular, ay pinapatay din naman ng kapwa nila pari.

Sa madaling salita, walang pagsisisi at labas sa ilong ang paghingi ng paumanhin. Nakakapagtaka na kung umasta sila eh para bang wala silang kabahid-bahid ng kamalian. Katulad na rin ng kasalukuyang Papa na walang pagsisisi sa ginawa at ginagawa nitong pag-dedma sa kaabusuhan at panghahalay ng kanilang mga pari sa mga bata. Walang walang pinagka-iba.

Kung sabagay, bakit nga naman sila hihingi ng dispensa? Payag ka naman sa ginagawa nila di ba?


0 * :

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...