Tuesday, September 22, 2009

Martial Law at mura

Anniversary ng Martial Law kahapon.

Naalala ko yung nangyari two years ago, November 29, nung nag-announce si Gloria ng curfew between 12 midnight and 5 a.m. Kabadong kabado ako noon.

Nung date na iyon kasi nag-launch ang Mozzie ng kanilang album sa Timog. Pumunta ako dun mag-isa. (Yun din kasi yung day na nag-break kami ng boyfriend ko.) Yun din nga pala yung araw ng "Manila Peninsula" rebellion.

So ayun, nagpunta ko do'n mag-isa. Around 11 p.m., nagsimula na kaming mag-uwian. Ang problema, lahat ng tao nag-uuwian -- so wala akong masakyan na taxi.

Nilakad ko hanggang EDSA at nag-attempt pumara ng cab. Wala pa din. Sarado na din MRT no'n. Minumura ko ng bonggang bongga yung ex-boyfriend ko all the while. Awang-awa na din kasi ko sa sarili ko.

Halos 11:15 p.m. na nang nakasakay na ko sa isang ordinary bus. Walang aircon. Di ako sanay sumakay sa ordinary bus. Di din ako panatag sa mga itsura ng kasama ko. (Pasensya na, pero yun talaga naramdaman ko.) Kabadong kabado talaga ko. Kasi kumalat ang balita na yung mga makikitang wala sa bahay by 12mn ay aarestuhin, unless may ID na mapapakita na ikaw ay nagtratrabaho sa isang call center. Di ako nagtra-trabaho sa call center. Wala din akong dalang company ID para makapag-kunwari na nagtra-trabaho ako sa call center. Hence, ninenerbyos ako.

Ang bagal ng bus. Lahat nalang isinasakay -- lahat kasi pumapara, nagmamadali, gustong makasakay sa bus at makauwi ng nasa oras. Ang problema, di lang bus ang sasakyan ako; pagbaba ko, kailangan ko pa sumakay ng jeep.

Less than 30 minutes na lang nang nakababa ako sa Boni. Dali-dali akong sumakay sa jeep. Mukhang naiintidihan naman ng driver ang saloobin ng mga pasahero kaya siguro mabilis syang magmaneho.

Pagbaba ko sa jeep, medyo mahaba pa lalakarin ko. Alam ko naman na aabot ako sa bahay, pero di pa din maganda yung feeling: halos walang tao sa kalsada, ang daming nagpa-patrol na tanod at pulis. Yung mga kasabayan ko, ang bilis maglakad at ramdam mo yung takot; akala mo eh sinusundan ng snatcher o di kaya ng rapist.

By this time eh si Gloria na ang minumura ko. Sa katakutan nyang matalsik sa Malacanang, eh nag-impose sya ng curfew -- under the pretext of national security, of course. Ang nakakatawa nga lang eh hindi naman security ng bansa ang in danger noon. Pretty much, it was her security that was under threat due to the anger and disgust of the entire nation.

Kaya naman hanggang ngayon, eh napaka-sarap nyang murahin, kabilang na ang pamilya nya. Laking tuwa ko lang talaga pag hinabol na sila ng karma pagbaba nila sa pwesto nila.


6 * :

Metamorphosis said...


i have to agree with your opinion regarding ordinary buses! hahaha! i feel the same way too. pero kung wala nang choice, why not! hehe.

Jason said...


dati kala ko masarap sumakay ng ordinary bus from laguna to manila. okay sya sa umpisa, kaso kamusta naman sa pollution pag dating sa alabang, hehe :-P

Metamorphosis said...


hahaha! ang layo naman pala! nasagap mo na ang pollution ng metro manila pagbaba mo ng bus! hehe!

i rarely ride an ordinary bus, depende na lang kung wala talagang masakyan! hahaha!

and that reminds you of martial law. :p

Jason said...


lol! of course, not the ride itself but the general feeling that day. and well, i couldn't really say i experienced martial law ever... bagets pa ko! haha

Metamorphosis said...


pero mas bagets ako sayo! hehe :p

auee said...


I really can't believe Pilipinas let that happen... wwwhhyyy???

Anyway, think good thoughts. Malapit na ang judgement day.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...